Latest News

GRAB DRIVER, NAGSELOS, NAGBANTA SA NOBYA, ARESTADO

By: Baby Cuevas

SA kulungan bumagsak ang isang grab driver matapos umano nitong takutin at pagbantaan ang kanyang nobyang receptionist – therapist habang ipinapakita pa ang kanyang baril, dala ng pagseselos sa isang customer nito.

Matapos maaresto kahapon ng madaling araw sa Malate,Maynila ay naka-detine ngayon sa Manila Police District -Police Station 5 ang suspek na si Romuald Banal y Manalili, 36, ng Royal Plaza Twin Tower Condominium sa kanto ng Remedios at Ma. Orosa Streets sa Malate, Maynila.

Napag-alaman na ang biktimang si Kaylie Badaron y Ligones, 30, therapist-receptionist, ay naghain ng reklamo ala- 1:30 ng madaling araw matapos pagbantaan ng suspek na nagsabing: “WALANG MAKIKINABANG SAYO! AT WAG LANG MAKITA KITA SA LABAS NA MAY IBANG KASAMA”.


Diumano, nag -ugat ang pagbabanta ng suspek nang magselos ito.sa isang customer ng biktima at magkaroon ng mainitang pagtatalo sa loob ng San Shai Spa na matatagpuan sa Remedios Street sa Brgy. 702, Malate, Maynila.

Sa takot ay agad na nagtungo sa presinto ang biktima at inireaklamo ang suspek. Nang arestuhin, nakuha ang baril nito sa passenger seat na may kargang 11 bala.


Samantala, sinampahan ng kasong grave threat in relation to RA 9262 at R.A. 10591 ang suspek sa Manila Prosecutors Office.


Tags: Manila Police District-Police Station 5

You May Also Like

Most Read