SAMPUNG araw nang naka-alerto ang lahat ng ahensiya ng gobyerno na nasa ilalim ng National Disaster Risk Reduction Management Council bunsod ng posibleng epekto ng Tropical Storm Nika na umabot na sa Signal Number 4 sa ilang lugar sa hilagang Luzon, habang may dalawa pang tropical cyclone na namumuo ang binabantayan din sa ngayon.
Tiniyak ng pamahalaan sa sambayanan na naka-posisyon na ang kanilang mga tauhan at mga kagamitan habang nakatutok ang Luzon sa posibleng epekto ng Severe Tropical Storm Nika, na nagsimulang manalasa sa Isabela at Northern Aurora kahapon, habang papasok naman sa Philippine Area of Responsibility at magiging isang ganap na bagyo si Ofel ngayong Martes. Inaasahang lalakas pa ito habang binabagtas ang Philippine Sea bago mag-landfall sa northern o central Luzon sa Huwebes .
Kaugnay nito ay inatasan ni Department of the Interior and Local Government Secretary (DILG) Jonvic Remulla, vice chair ng NDRRMC, ang may 2,500 barangays na direktang tatamaan ni Nika na magsagawa ng preemptive evacuations, habang naka-standby ang mga concerned government units.
“We have advised all the governors involved in the 2,500 barangays to be evacuated, especially those prone to floods and landslides,. The DSWD has prepositioned the necessary food packs and response facilities. The five airports servicing the region have been notified to clear the vicinity immediately,” ani Remulla.
Ayon kay Remulla, Biyernes pa lamang ng nakalipas na linggo ay naglabas na sila ng babala. Binigyang-diin niya na ang response scenario nila ay 10-day event, na nagsimula nuong Biyernes hanggang sa darating na Lunes, bunsod ng posibleng epekto naman ng Tropical cyclones Ofel at Pepito.
“Nevertheless, we are prepared. Information is key. The DENR has identified the barangays most prone to landslides and floods, and the response should be immediate,” ani Remulla,.
“You can see the scenario: between Nov. 11 and 17, we will have three typhoons entering the Philippines, all on the same path, so, between Marce and Pepito, that means four typhoons in 10 days, following the same trajectory,” dagdag nito.