Latest News

GOBYERNO, UUTANG MULI NG P200 BILYON SA MAYO

NAKATAKDANG umutang muli ng P200 bilyon ng gobyerno sa domestikong merkado ngayong darating na Mayo matapos ang pagsasagawa ng halalan, ayon sa Bureau of the Treasury (BTr).

Sa isang advisory, sinabi ng BTr na ang planong pag-utang sa Mayo ay katulad rin ng ‘volume program’ ngayong Abril kung saan nakakalap lamang ang pamahalaan ng P160.3 bilyon.

Magpapasubasta rin ang BTr ng mga Treasury bills (T-bills) kada linggo na inaasahan na makakalikom ng P60 bilyon at Treasury bonds (T-bonds) na inaasahan naman na makakakalap ng P140 bilyong pondo.


Nitong nakaraang Lunes, sinabi ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Benjamin Diokno na maaaring magpatupad na sila ng ‘rate hike’ sa Hunyo kapag nakapagpulong na ang Monetary Board sa Mayo 19.

Sinabi naman ni Rizal Commercial Banking Corp. Chief Economist Michael L. Ricafort said na maaaring umakyat ang pag-utang ng pamahalaan matapos ang May 9 elections upang matugunan ang pag-mature na ng mga ‘government securities’ at pagtatapos ng mga restriksyon kaugnay ng eleksyon.


Kasalukuyang may budget deficit ang bansa na 7.7% ng gross domestic product ngayong taon na layong mapunan sa pamamagitan ng pag-utang. (Carl Angelo)


Tags: Bureau of the Treasury (BTr)

You May Also Like

Most Read