MULING iginiit sa gobyerno ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na alisin na ang public health state of emergency dahil sa pananatili sa “low risk” ng COVID-19.
Iginiit ni Concepcion na nag-improve na naman ang situwasyon ng COVID-19 sa Pilipinas at ito ay nasa “low risk” assessment na ng Center for Disease Control and Prevention.
“Karamihan ng ibang bansa, katulad ng mga European countries, pati ang Canada, nasa Level 3 na high-risk pa rin and this was updated this May 31, 2022,” ayon kay Go Negosyo founder.
“So, ang pananaw ko dito, hindi ko naman sinasabi na itong administration ni President Duterte, gawin nila ito. Kailangan we should start to discuss,”dagdag ni Concepcion.
Sinabi ni Concepcion na dapat na itong alusun dahil sa malaking pagkakautang ng Pilipinas at kontrolado na naman ang COVID-19. (Arsenio Tan)














