Latest News

Gobyerno, di na bibili ng COVID-19 vaccines

Hindi na bibili ng COVID-19 vaccines ang gobyerno ngayong 2022, kasunod ng pagkaka-aksaya ng mahigit 20.66 milyong doses ng bakuna na ang karamihan ay nag-expire lamang.

Ito ang tiniyak ni Department of Health Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire sa ginanap na pagdinig ng Senado.

Ayon kay Vergeire 8.42% vaccine ang nasayang o nagkakahalaga ng mahigit sa P10.bilyon hanggang nitong Agosto 12.


Ayon naman kay Senator Risa Hontiveros, halos doble na ito sa 4.7% vaccine na unang naiulat na nasayang noong Hunyo.

Sa ibinahagi naman na datos ni Health Undersecretary Ma. Carolina Vida-Taiño, may 19 milyon doses ang nag-expire kung saan karamihan ay mula sa donasyon ng pribadong sektor at binili ng local government units.


Iginiit ni Vergeire na wala ni isa sa mga nag-expire ang binili ng national government, habang isinisi naman sa operational issues ang pagkasayang ng may 1.6 milyong doses.

Samantala,sinabi ni Vergeire na papalitan ng COVAX facility ang.mga nasayang na bakuna kaya hindi na rin bibili pa ang gobyerno.


“Based on our estimates, we will be consuming all of these existing stocks by December and our schedule for the COVAX deliveries or replacements would start December also, so that we can have appropriate and adequate stocks by the first quarter of 2023,” ani Vergeire.

Target umano ang 50% ng eligible population para mabigyan ng kanilang unang booster shot sa Oktubre 8. (Carl Angelo)

Tags: Department of Health Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire

You May Also Like

Most Read