Latest News

GOBYERNO, DI AABANDONAHIN ANG KASO NG 34 NAWAWALANG SABUNGERO

By: Philip Reyes

Hindi umano aabandonahin ng gobyerno ang kaso ng may 34 nawawalang sabungero.

Ito ang tiniyak ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa pamilya ng mga nawawalang sabungero, sa ginawang pakikipagpulong sa mga mataas na Law enforcement officials na kinabibilangan nina PNP-CIDG Director Nicolas Torre at NBI Director Jaime Santiago.

Aniya, patuloy umanong reresolbahin ang misteryosong pagkawala ng mga sabungero.


“We intend to follow through on the sabungero cases. We do not intend to abandon anybody here,” pahayag ni Remulla.

Sa kabila na wala umanong contact sa ngayon mula sa mga pamilya ay determinado ang gobyerno na mabigyan ng hustisya ang kanilang mga pamilyang humihingi ng tulong.


“The fact that the families have not been following up with us lately is something that happens, but we are not abandoning our pursuit for justice,” dagdag ni Remulla.

Una nang naiulat ang pagkawala ng 34 na mga sabungero sa pagitan ng Abril 2021 at Enero 22, 2022 at hanggang ngayon ay hindi pa nakikita ang mga ito.


Tags: Justice Secretary Jesus Crispin Remulla

You May Also Like

Most Read