Latest News

GLORIA DIAZ TUTOL SUMALI ANG SINGLE MOM, MARRIED O TRANSGENDER NA SUMALI SA MISS U PAGEANT

By: Beth Gelena

HINDI pabor ang dating beauty queen na si Gloria Diaz sa pagsali ng single mom, may-asawa, at transgender sa Miss Universe.

Para kay Gloria, mas maganda raw kung may sari-sariling pageants ang iba’t ibang grupo.

Si Gloria ang first Filipina Miss Universe na nanalo noong 1969.

Pero giit niya, ito raw ay personal lamang niyang opinyon at hindi siya dapat husgahan.

“Di dapat, ‘Universe’ na lang, huwag nang ‘Miss.’ Kasi, hindi na ‘Miss’ yon, di ba? Dapat ‘Universe’!

“Hindi, I think they even include transvestites. Siyempre, going with the times, no? Pero my personal opinion—which is not to be taken in the negative way—dapat may sarili silang contest. May Mrs. Universe, may Lesbian Universe, may Tranny Universe.

“There is room for so much. Oo, mga category na ganoon, ganyan. Tapos, kasi even sa Mrs. Universe, andaming magaganda diyan na nanganak na. OK lang yon,” paliwanag ng former beauty queen-turned-actress.

Nag-umpisa ang inclusivity sa Miss Universe noong itaas na ang age limit ng mga gustong sumali at gawin itong 28 years old.

Noong 2016 ay 18 to 26 years old lang dapat ang mga kandidata sa naturang pageant.

“Kasi actually, pag 28 ka na, dapat may career ka na, hindi ba? Dapat mga… like during my time, from 17 or 18 hanggang 23, ikaw na ang pinakamatanda.

“In fact noon, pag may 23 years old, sasabihin nila, ‘And the oldest candidate, 23 years old…’ Ganyan, no? Bukod-tanging ikaw ang pinakamatanda. Pero ngayon, nakaka-28 na yata, puwede pa rin, eh.

“It’s hard. It’s a very new idea na sa akin… not very acceptable,” pahayag pa niya.

Sa May 13 idaraos ang Miss Universe Philippines sa SM Mall of Asia habang ang 72nd Miss Universe ay sa Disyembre gaganapin sa El Salvador.

Tags:

You May Also Like

Most Read