GLOBE WIFI INSTALLER, INIREKLAMO NG ESTUDYANTE NG ‘ACT OF LASCIVIOUSNESS’

By: Baby Cuevas

BUMAGSAK sa kulungan ang isang wifi installer ng Globe Telecom, matapos itong ireklamo ng isang 19-anyos na babaeng estudyante na nagpakabit ng wifi kahapon ng madaling araw sa Avida Tower Intima sa Brgy 678, Zulueta St., Paco, Maynila .

Nasa kustodiya ng Manila Police District -Police Station ang suspek na si Raymark Cabaddu, ng F-107 Adelina Madrigal St., San Roque 1, Bagong Pag-Asa, Quezon City .


Siya ay dinakip matapos ireklamo ng biktima ukol sa naganap umano na insidente ng biglang pagyakap sa kanya ng suspek dakong alas-3 ng hapon nitong Miyerkules lamang.

Tinawagan umano ng biktima ang Globe Telecom para magpakabit ng wifi at ang ipinadala ng kompanya ay ang suspek.

Gayunman, hHabang ikinakabit ang wifi ay panay umano ang tanong ng suspek sa biktima kung may kasintahan na ito at hinihingi umano pati Facebook account niya para umano pag nagka-problema ang ikinabit na wifi ay madali siyang matawagan.


Bigla umanong inakbayan ng suspek ang biktima at nang tumayo ito ay niyakap siya ng suspek kaya’t lumabas siya para magsumbong sa kanyang kapatid.

Alas-9 ng gabi nang bumalik ang suspek para tingnan ang ikinabit na wifi dahil sa “back job” at dito na siya pinigil ng guwardiya at saka dinala sa barangay.


Kasong act of lasciviousness ang isinampa laban sa suspek sa Manila Prosecutors Office.


Tags: Globe Telecom

You May Also Like