Ginang, “staycation” ang hanap, natagpuang patay sa hotel

Inabot ng kamatayan sa loob ng isang hotel ang isang ginang na dumayo lamanga sa Maynila para sa isang “staycation” kamakalawa ng hapon sa Malate,Maynila.

Kinilala ni PSSg Zoilo Nazario ng Manila Police District -homicide section, ang biktimang si Adolfa Gordon ,taga Poblacion , Dumalag, Capiz City.


Nabatid na pasado alas-12 ng hapon nang madiskubreng patay ang biktima sa Rm.503 sa ika-2 palapag ng Manila Manor Hotel na matatagpuan sa Jorge Bocobo St., Brgy.698 Zone 76 sa Malate.

Ayon kay Rhea May Lagaña, 37, housekeeper ng hotel, pinuntahan nito ang silid ng ginang dahil lagpas na umano sa araw at oras ng pamamalagi nito.

Kinatok umano nito ang pinto pero walang nagbubukas kung kaya gumamit ng duplicate key si Lagaña , at dito na tumambad na wala na itong buhay.


Kaagad niya itong ipinagbigay-alam sa mga staff ng hotel na sila namang nakipag-ugnayan sa mga tauhan ng Remedios Police Community Precinct na sakop ng MPD- Station 5.

Ayon sa rekord ng hotel, nagchec- in mag-isa si Gordon nitong nakaraang Agosto 15 alas- 3:33 ng hapon.


Wala naman umanong nakita sugat sa katawan ang biktima kaya hinalang namatay ito sa sakit.


Tags: PSSg Zoilo Nazario ng Manila Police District -homicide section

You May Also Like