NAHAHARAP ngayon sa kasong parricide ang isang security guard nang walang awa niyang pagsasaksakin ng ng napakaraming beses ang kanyang misis sa Mangaldan Pangasinan.
Sa ulat ng Mangaldan PNP patay sa multiple stab wounds 39 anyos na ginang matapos pagsasaksakin ng kaniyang miste.
Base umano sa medico legal examination nasa 300 sugat ang tinamo ng biktima
Ayon kay Police Lt. Col. Benjamin Zarate Jr., base sa police police report naganap ang pamamaslang sa loob ng isang inn sa Barangay Bantayan ng nasabing bayan.
Inaaalam kung bangag sa droga ang suspek dahil sa napakaraming saksak na tinamo ng biktima.
Sinasabing pinaghinalaan umano ng suspek na may kalaguyo ang kanyang misis kaya humantong sa malagim na krimen ang kanilang pagtatalo.
“Bandang 7:45 ng umaga nang mag-check in ang mag-asawa. Makalipas ng tatlong oras, lumabas ang mister na duguan ang kanyang paa. Napansin ito ng isang room boy kaya agad na tinignan ang kwarto at doon na nadiskubre ang duguan at wala ng buhay na biktima,” ani Zarate. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)














