Patay ang isang 4- anyos na babaeng OFW matapos saksakin ng kanyang live-in partner sa loob ng kanilang bahay sa Sampaloc, Quezon.
Ayon sa Sampaloc Municipal Police Station, bandang alas-3:30 ng madaling araw noong Biyernes nang magkasagutan ang biktima at kanyang 53-anyos na live-in partner sa kanilang bahay sa Barangay San Isidro.
Sa kainitan ng pagtatalo, kumuha ng kutsilyo ang lalaki at ilang beses umanong sinaksak ang biktima.
Patuloy ang pagtugis ng mga pulis sa suspek, na agad tumakas kasunod ng insidente at ngayon ay nahaharap sa kasong murder.
Sa isang social media post, sinabi ng anak ng biktima na ikinalungkot niya ang nangyari sa ina, na paalis na sana nitong Sabado para muling magtrabaho sa ibang bansa at matustusan ang pag-aaral nilang pitong magkakapatid.
“[Pasensiya] na mama, ‘di ka namin naabutan kanina… Kayo pa naman ‘yong natulong sa’min, mama. ‘Yong pinapangarap niyo po sa’min, aabutin namin,” sabi ng anak sa post.














