INARESTO ng mga tauhan ng Manila District Anti- Cybercrime Team , kasama ang ilang tauhan ng Manila Police District – Station 4 sa isang 49 anyos na ginang sa pamamagitan ng arrest warrant sa Sampaloc, Manila, biyernes ng tanghali Setyembre 23.
Kinilala ni Police Leutenanant Colonel Jay D. Guillermo, OIC ng Regional Anti- Crime Cyber Unit ng NCRPO, ang suspek na may alyas ” Lyca Dela Rosa , may asawa ng Montaña St., Sampaloc.
Base sa ulat ni PMajor Reynaldo T.Salim , team leader ng MDACT, bandang alas-11 ng tanghali nang arestuhin ang ginang sa 968 Prudencio St, Sampaloc.
Nauna rito, nakipag-ugnayan si Major Salim sa tanggapan ni PLt.Col. Paul Jay Doles, Commander ng MPD- Station 4, dahil sa ginang na wanted sa kanyang nasasakupan
Matapos makipag-ugnayan ang grupo ng MDACT , pinangunahan ni Major Salim ang pag- aresto sa suspek.
Bitbit ang warrant of arrest na inisyu ni Hon.Maria Victoria S Villadolid, Presiding Judge ng Regional Trial Court , Branch 24 ng Manila dahil sa kasong paglabag sa Section 4c (4) Online Libel ng Republic Act ng 10175 .
Bagama’t ang akusado ay may inilaang piyansang P10,000, pansamantala itong nakapiit sa nasabing himpilan ng pulisya habang pinoproseso ang mga dokumento ng pag-aresto ng may hawak ng kaso na si PCpl Alvin F Sildo. (Philip Reyes)














