PINATUMBA ng Gilas ang Jordan para angkinin ang gintong medalya para sa Pilipinas sa 19th Asian basketball games noong Biyernes ng gabi sa Hangzhou Olympic Center Gymnasium sa China.
Nanalo Gilas kontra sa Jordan sa puntos na 70-60, at pinamunuan ang men’s basketball showcase ng masungkit ang Asian Games gold para sa bansa matapos ang 61 years.
Gumawa ng 20 puntos si Justin Brownlee para sa Gilas Pilipinas, na dinagdagan ni Ange Kouame ng 14 puntos, habang 13 puntos naman ang pinuntos ni Chris Newsome at 11 puntos ang galing kay Scottie Thompson bilang ganti sa pagkatalo sa kamay ng Falcons noong nakaraang weekend.
“Our guys were just really disciplined tonight, It was just a good game by us tonight and they (Jordan) had an off shooting night,” komento ni Coach Tim Cone sa gitna ng hiyawan at selebrasyon.
Ang preliminary round loss ang nagtulak sa Gilas Pilipinas na maglaro ng extra para sa torneo.
Nauna nang natalo ng Gilas ang Qatar, nakaligtas sa Iran at ginulat ang China.
Dagdag pa ni Coach Cone: “I think we did a good job recovering (Sami) Bzai, not letting him get a lot of looks, and that was one of the keys. I know it’s no gold for Jordan. It would’ve been their first. Good for both of us.”
Dahil sa panalo noong Biyernes, naitala ng Pilipinas ang ikalimang gintong medalya.
Ang huli ay dumating noong 1962 sa Jakarta, Indonesia, courtesy ng squad na pinamumunuan ng yumaong Fiba Hall of Famer na si Carlos Loyzaga.
Ang huling podium finish ng Pilipinas na isang bronze medal ay noong 1998, sa ilalim din ni Coach Cone.
Kahit pa ang player ng Jordan na si Rondae Hollis-Jefferson ay umiskor ng 24 puntos, siya lamang ang player ng Jordan na pumuntos ng double digit.