NAISALBA ng Gilas ang kaunting pride para sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagdurog sa China sa puntos na 96-75 bilang pagtatapos ng bansa sa kampanya nito sa FIBA 2023 World Cup 2023 sa harap ng higit 12,000 nagbubunying Pinoy basketball fans.
Nagpasabog si Jordan Clarkson ng 34 puntos, kabilang ang 24 puntos sa third quarter kung saan naungusan ng Gilas ang kalaban sa 34-11 para ipanalo ang laro.
Ito ang unang panalo ng Philippine team laban sa China sa senior level sa FIBA-sanctioned tournament mula noong 2014 FIBA 2023 Asia Cup at ang pinakamalaki sa level na ito.
Tinapos ng Gilas ang kampanya nito na may 1-4 na marka, na nanalo sa una nitong laro sa World Cup mula nang talunin ang Senegal noong 2014 at maiwasan ang kahihiyan ng pagiging unang host sa loob ng 41 taon na walang panalo.
Samantala, muling umani ng samu’t saring batikos si Coach Chot Reyes matapos ang Gilas ay matalo ng apat na beses sa World Cup magkaroon na lamang ng maliit na tsansa ang bansa na makapasok sa 2024 Paris Olympics.
Kaya naman ipinaubaya ng 60-anyos na si Reyes ang kanyang kapalaran sa mga kamay ng namamahala sa Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) kasabay ng panawagan ng Pinoy basketball fans na sibakin na siya bilang coach.
“Tungkol sa aking personal na kinabukasan, iyon ay talagang nasa kamay ng pederasyon, ngunit para sa akin, sa aking sarili, alam ninyong lahat na ako ay nagretiro na at ilang beses na akong umalis sa trabahong ito.
“Ngunit nang hilingin sa akin na bumalik, hindi ako maaaring tumalikod sa tawag ng serbisyo para sa bandila at bansa,” pahayag ni Coach Chot.
Matapos ang kanyang huling coaching stint noong 2012 sa TNT franchise ng PBA, nagpatuloy si Reyes na maging coach ng Gilas.
Nagkaroon ng kaunting ningning ang coaching stint ni Reyes ng talunin ng Pilipinas ang South Korea sa 2013 FIBA Asia Championship semifinals.
Noong 2018, sandaling bumalik sa pribadong buhay ang five-time PBA coach of the year hanggang muling lumabas noong 2021 para i-coach isang ang TNT.
“Kung ano ang hinaharap, nasa federation na. Alam nila ang nararamdaman ko. Panay ang communication namin,” giit ni Reyes
Nasa SBP na ang bola sa pagtatapos ng FIBA World Cup.kung pakikinggan nito ang clamor ng fans na tapusin na rin ang partnership kay Coach Chot.