GIFT NA GUSTONG MATANGGAP NG NANALO SA XMAS RAFFLE NG IT’S SHOWTIME IBINIGAY NA NI VICE

By: Beth Gelena

VERY happy ang staff ng It’s Showtime ng ibigay na ni Vice Ganda ang mga “order” nilang gifts noong magpa-raffle si Vice sa Christmas party

Kakaiba kasi ang niregalo ng host sa nga nanalo.

Hiningi niya sa nga nabunot niyang winners kung ano ang gustong regalo ng mga ito at yun ang kanyang bibilihin.


Bagong cellphone, laptop at iba pang gamit ang mga inorder ng winners na binigay na ni Vice sa kanila kamakailan lang.

Naghiyawan ang It’s Showtime staff nung mapasakamay na nila ang gift mula sa Unkabogable Phenomenal Superstar.


Hirit ng mga hindi nanalo, sana ay may part 2 ang pamimigay na ito ni Vice.


Tags: Vice Ganda

You May Also Like

Most Read