Wala nang buhay. ang isang 53-anyos na German national nang matagpuan kamakalawa ng hapon sa Room 910 ng Red Planet Manila Bay Hotel sa Ermita, Maynila.
Nakabaon pa ang patalim sa tiyan at nag- iwan pa ng ‘suicide note’ ang biktimang si Andreas Karl Rudolf Reif.
Nakasaad sa note na nilagdaan ng biktima ang mga katagang, “Please burn me and spread my ashes in the sea. Thanks Adreas.”.
Nakita ng hotel staff sa loob ng shower room na nakasalampak ang duguang biktima ala- 1:45 ng hapon matapos na sirain ng staff ang pintuan na in-ilock pa ng biktima sa loob.
Nabatid sa nakuhang impormasyon sa pulisya na nag check -inn sa hotel ang biktima noong Disyembre 2,2023 at nakatakda na sanang magcheck-out noong Enero 13 alas- 12 ng tanghali.
Tinawagan umano ng hotel staff ang biktima para paalalahanan sa kanyang check-out time pero hindi ito sumasagot sa tawag, kaya ginamitan ng ‘master key’ ang kanyang kwarto pero hindi pa rin mabuksan dahil ini-lock ng biktima sa loob, kaya napilitan ang staff na sirain ang door hatch.
Dito na tumambad ang duguan at wala nang buhay ang biktima.
Huling nakitang buhay ang biktima noong Enero 12 na itinapon pa umano ang kanyang basura.
Dunala ang bangkay sa funeral parlor para sa awtopsiya at safekeeping.














