Latest News

German Embassy, nag-donate ng gamit sa NBI

By: Baby Cuevas

Nag-donate ang German Federal Police Liaison Office ng German Embassy ng Federal Republic of Germany ng iba’t-ibang kagamitan sa National Bureau of Investigation (NBI) bilang karagdagang gamit sa operasyon nito laban sa human trafficking.

Sa isang seremonyang isinagawa sa NBI headquarters sa Quezon City, isina-pormal nina NBI Director Medardo G. De Lemos at German Ambassador to Manila, Dr. Andreas Pfaffernoschke, ang pagbibigay ng donasyon sa pamamagitan ng paglagda sa isang Deed of Donation.


Kabilang sa ibinigay na donasyon ang 10 units ng laptop, two units Desktop Scanner, two units Copier Kyocera, 15 units Printer Brother, two sets PC Desktop, 10 units Anti-Virus, five units Windows operating system, five units Application Software, 20 sets Office Table na may mobile cabinet at 10 office chairs.

Napag-alaman na noong nakalipas na Setyembre 25, 2023, nagbigay rin ng donasyon ang German Federal Police Liaison Office ng iba pang kagamitan gaya ng Hyundai van, laptop computers, body cams, drone with remote control at electric scooters.

Tiniyak naman ni De Lemos na nananatili ang NBI sa kanilang commitment na labanan ang iba’t-ibang uri ng krimen tulad ng human trafficking at online sexual exploitation.


Sinabi ni De Lemos na ang donasyong kagamitan ay malaki ang maitutulong sa NBI para epektibong maipatupad ang batas at kapayapaan.


Tags: German Federal Police Liaison Office

You May Also Like