Sa darating na February 17 ay ipagdiriwang ng buong Filipino-Chinese community ang pagpasok ng Chinese New Year, o Year of the Fire Horse.
Gaya ng nangyayari taon-taon, tiyak na magsasagawa ng selebrasyon ang mga Tsinoy lalo na sa Chinatown area sa Binondo, ang pinakamalaking Chinatown sa buong mundo at pinaka-matanda sa Pilipinas na itinayo mahigit 430 taon na ang nakararaan.
Hindi rin maikakaila ang malaking papel ng mga Chinoy sa naging pag-unlad ng bansa, lalo na ang tulong na ibinigay ng mga ito at maging ng Chinese government, lalo na nuong panahon ng pandemya.
Isa sa mga masasabing pinakamabuting halimbawa ng mga may lahing Chinese ngunit tunay na may pusong Pinoy ay ang pamilya ni Gerie Chua, ang founder ng sikat na Eng Bee Tin Chinese Deli, na matatagpuan sa Binondo, Maynila.
Ang pamilya ni Chua ay nagpapatakbo din ng isang restaurant, ang Cafe Mezzanine, kung saan dumadagsa ang mga nais makatikim ng mga traditional naman na pagkain gaya ng kiampung, soup no. 5 ( pampatigas … ng tuhod) ) , maki, masustansyang black chicken soup at iba pa.
Ang kapuri-puri diyan, bukod sa masarap at murang halaga ng pagkain, ay ang ginawa ni Gerie na kung saan ang kinikita ng nasabing kainan ay ibinabahagi bilang tulong sa mga Chinese fire volunteers na nasasawi o di kaya ay nasusugatan sa pagresponde sa mga sunog nang walang anumang kabayaran.
‘Yan ay dahil alam niya ang pinagdaraanan ng mga fire volunteers dahil minsan din niya itong ginampanan at ngayon ay minana naman din ng kanyang mga anak. Galing din sa hirap si Gerie kaya may puwang sa puso niya ang mahihirap at nananatili itong mapagkumbaba sa kabila ng naabot na estado sa buhay, bagay na namana ng kanyang mga anak.
Napakabuti ng kanilang puso sa pagtulong sa kapwa kaya naman sana ay sama-sama nating suportahan ang mga negosyo ng pamilya Chua upang patuloy din silang makatulong sa kanilang mga kawanggawa. Sa katunayan, ang motto sa buhay ni Gerie ay ‘do good deeds.’
Ang Eng Bee Tin, na ngayon ay halos di na mabilang ang branches sa buong bansa at maging sa abroad, ay ang pinakamainam na puntahan kung nais mong makabili ng mga traditional na Chinese products gaya ng iba’t-ibang flavor ng hopia at tikoy at marami pang iba.
Naroon din ang mga uri ng pagkain na inihahanda sa mesa kaugnay ng pagdiriwang ng Chinese New Year na maraming Pilipino rin ang nago-observe, gaya ng paghahain ng tikoy at huat ke.
Sa rasonableng halaga ay makakatiyak ka na masarap at world-class ang iyong binibili kaya paborito rin itong pasalubong ng mga umuuwing Pinoy. Higit sa lahat, hindi sila gumagamit ng preservatives na di mabuti sa kalusugan.
Pakatandaan natin na ang bawat bibilhin natin sa mga produktong gawa ng Eng Bee Tin, o bawat pagkain na ating oorderin sa Cafe Mezzanine at iba pang restaurants ni Gerie gaya ng Great Buddha at Mr. Ube sa Ongpin at iba pang branches, ay malaki ang maitutulong sa mga fire volunteers at iba pang charitable works na isinasagawa ng pamilya Chua.
***
Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon.














