By: MILDRED A. BACUD
SA bihirang pagkakataon ay nakausap namin si Gerald Anderson sa practice game ng Pola Pilipinas RPG basketball team.
Sila kasi ang representative ng Pilipinas sa Asean Games na gaganapin sa Guangzhou, China sa April 19.
Kahit sobrang busy, binibigyan talaga ng panahon ng aktor ang basketball.
“Dati pangarap kong makapasok sa PBA. Hindi natupad at sa PBB (Pinoy Big Brother) ako nakapasok,” say ni Gerald
Pero happy pa rin daw siya dahil nakakapaglaro pa rin siya kapag may mga tournament.
In fact siya ang team captain ng kanilang koponan habang team manager ang dating aktor na si RJ Martinez at co-owner si Pola Mayora Ina Alegre. Headcoach naman ng team si Jr Cawaling at asst. coach si Jens Knuttel.
Kaya naman hindi namin pinalagpas kunan ng reaksyon ang aktor tungkol sa pagkikita at pagbebeso ng dating GF na si Bea Alonzo at kasalukuyang nobya na si Julia Barretto sa tribute at post-birthday party ni Johnny Manahan o Mr. M.
Maikling sagot ni Gerald: “Ganon talaga. Time heals. Basta moving forward lahat.”
Sa kasalukuyan, nagti-taping si Gerald ng ” Buy-Bust” series at may gagawin pa siyang pelikula na ang balita namin ay kasama si Sandara Park.














