MARAMI ang nagsa-suggest kay Gerald Anderson na pumasok sa politika.
Pero ayon sa aktor wala siyang plano na makihalo sa mundo ng politics.
Masaya na raw siyang nakakatulong sa mga taong nangangailangan ng tulong.This was despite the fame that he received during Typhoon Carina.
Ayon pa sa Kapamilya actor, he was able to use his platform in helping others.
Aniya: “I’m just happy to be in a position where I can also help. Nagagamit ko naman yung platform ko eh. May mga kaibigan ako in politics, I know it’s very hard, napakahirap nun, and I wouldn’t jump into something na hindi ako handa or hindi ko pinag-aralan because people’s lives are at stake.”
Sabagay, sa pagtulong ng aktor sa kanyang kapwa ay para na rin siyang isang public servant lalo pa’t ang ginagawa niya ay makapagligtas ng buhay sa gitna ng kalamidad.
Kumbaga, buwis-buhay ang kanyang pinupuhunan para makapagsilbi sa kanyang kapwa.














