Latest News

Generic medicine, ligtas at epektibo – DOH

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na ligtas at epektibo ang mga generic medicine katulad ng.kanilang branded counterparts.

“People have to understand also whether it be branded or unbranded generics, pareho lang ang safety, efficacy (the safety and efficacy is the same),” ayon kay DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire sa ginanap na press briefing.


Sinabi ni Vergeire na pareho lang ito ng ibinibigay na “effectiveness” lalo na kung ito ay binigyan ng clearance ng Food and Drug Administration (FDA).

“Kung pupunta kayo sa drugstore na linsensyado ng Food and Drug Administration, kasi yung mga drugstores po ay hindi pwedeng magbenta ng mga counterfeit at pekeng gamot ” ayon naman kay DOH Pharmaceutical Division Director Dr. Anna Melissa Guerrero.

Sinabi ni Guerrero ang mga doktora sa DOH ay gumagamit ng generic at lahat ng gamot na ginagamit sa kanilang programa ay generic at maganda naman ang outcome.


“Marami na po tayong nakikita na outcomes din po na meron kaming hypertension program, diabetes program at nakokontrol naman po yung kanilang blood sugar at high blood,”dagdag pa ni Guerrero. (Jantzen Tan)


Tags: DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire

You May Also Like

Most Read