Latest News

GENERAL BRAWNER NANAWAGAN SA KASUNDALUHAN NA HUWAG MASIRA ANG TIWALA NG MASA

By: Victor Baldemor Ruiz

“Malaki ang tiwala ng mga kababayan natin sa ating Sandatahang Lakas. Huwag nating hayaan na masira ang tiwalang ito.”

Ito ang ginawang panawagan kahapon ni Armed Forces of the PhilippineS chief of Staff General Romeo Brawner sa lahat ng opisyal ng Hukbong Sandatahan, sa mga enlisted personnel at maging sa kanilang mga civilian human resource, bunsod ng naging resulta ng ginawang pag aaral ng Octa Research sa ‘Tugon ng Mas’ survey.

“Let us continue to work hard for our country. Let us always remain united and professional,” ani Gen. Brawner, kasunod ng pahayag na ang resulta ng OCTA Research Fourth Quarter 2023 Tugon ng Masa Survey ay patunay ng marubdob na pagsisikap at dedekisasyon ng ng bawat sundalo, airman, sailor, and marine sa pagtupad ng kanilang mandato sa sambayanang Filipino.


Kaugnay nito ay pinasalamatan ng heneral ang taumbayan sa kanilang tiwala sa AFP.

“I would like to thank the Filipino people for trusting your Armed Forces of the Philippines. We will continue to fight to protect our people and our sovereignty,” aniya.


Napag-alaman na base sa nasabing pag- aaral ay lalo pang tumaas ang approval rating ng sambayanang Pilipino sa AFP .

Ito ang resulta ng isinagawang survey ng OCTA Research sa 1,200 respondents noong huling quarter ng 2023.


Sa nasabing pag-aaral ay lumilitaw na 100 porsyento ng mga Pilipinong respondent ang nagpahayag na mulat sila sa kaganapan at mga ginagawa ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

Umakyat ito ng 11 punto mula 89% awareness noong Oktubre 2023.

Mula sa mga nagsabing aware sila sa AFP, 86% dito ang kuntento sa pagganap ng AFP sa kanilang mandato at accomplishments, habang 2% lang ang mga hindi kontento.

Sinasabing umakyat ang net satisfaction rating ng AFP sa lahat ng lugar sa bansa maliban sa Mindanao, habang ang net trust rating naman ng AFP ay pinakamataas sa Mindanao, na sinundan ng Visayas habang pinakamababa naman ang net trust rating sa NCR.

Base din sa pag aaral ng OCTA, patuloy na nakatanggap ang AFP ng mataas na trust at satisfaction ratings noong 2023.

Bunsod nito ay inilalarawan ang AFP na isa sa pinagkakatiwalaan at top-performing government agencies bago pa man ang taong 2023.

Tags: Armed Forces of the Philippines chief of Staff General Romeo Brawner

You May Also Like

Most Read