GENERAL BANTAG AT BUCOR DEPUTY OFFICER TINUTUGIS PA RIN NG PNP

By: Victor Baldemor Ruiz

Ito ang ginawang pagtiyak kahapon ng pamunuan ng Philippine National Police chief Police.

Ayon kay PNP chief Police General Benjamin Acorda Jr., hindi pa rin nilulubayan ng ilang tracker ng pambansang pulis ang paghahanap kina dating Bureau of Corrections (BuCor) Chief Gerald Bantag at dating BuCor deputy officer Ricardo Zulueta.


Mahigit isang taon na ang nakalipas , sina Bantag at Zuleta ang sinasabing utak sa pamamaslang sa mamamahayag na si Percy Lapid noong Oct 2022 at sa whistleblower inmate na si Jun Villamor.

Sinabi ni Acorda na umaasa ang Pambansang Pulisya sa positive development ng kaso ni Lapid.

Sadya lamang umanong madulas ang dalawang suspek subalit patuloy ang isinasagawang manhunt operations ng mga awtoridad lalo na’t mayroong nakabinbing warrant of arrest laban kina Bantag dahil sa kasong murder.


Nabatid na sa ilalim ng Marcos administration ang apat na mamamahayag na ang pinatay na kinabibilangan nina Rey Blanco, Percival “Percy Lapid” Mabasa, Cresenciano Bunduquin at si Juan Jumalon na brutal na pinatay nitong nakalipas na lingo sa Calamba, Misamis Occidental.


Tags: Philippine National Police

You May Also Like