PORMAL nang inihayag kahapon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang ginawang paghirang ni pangulong Rodrigo Roa Duterte kay P/Lt. Gen. Vicente Danao bilang Officer-in-Charge (OIC) ng Philippine National Police (PNP) simula May 8, 2022, kasunod ng mandatory retirement ni P/Gen. Dionardo Carlos.
Ayon kay SILG Sec Eduardo Año , lubhang mahalaga at napapanahon ang gagawing pag renda ni Gen Danao sa pambang pulis dahil sa napipintong paghalal ng sambayanang Filipino ng bagong lider ng bansa sa gaganaping national at local election sa Lunes Mayo 9, 2022 kinabukasan matapos siyang manumpang OIC ng PNP.
Bilang OIC ng PNP, ang first order of the day ni Danao ay ang pagtiyak sa lahat ng inilatag na security preparations ng kapulisan, pagtiyak na lahat ng police units ay mobilized and on alert para masigurong magiging tahimik, maayos at malinis ang gaganaping halalan.
“As commander of the National Security Task Force on National and Local Elections, Danao is more than cut out for the job of ensuring a safe and peaceful elections as he has been involved in the planning and security preparations for the elections since Day 1,” ayon sa DILG.
Hindi rin umano maapektuhan ang ongoing security preparations na ipinatutupad ng PNP sa pagkakatalaga kay Danao bilang OIC dahil mas mabibigyan niya ng mas magandang pamumuno at direksyon ang buong kapulisan para magampanan ang kanilang peacekeeping role para sa mahalagang sandali sa kasaysayan ng bansa.
I also count on Gen. Danao to continue and further intensify the PNP’s ongoing campaign against criminality and lawlessness, Communist terrorism, illegal drugs and all forms of criminality. The Filipino people are counting on you, ani Sec. Ano.
Kaugnay nito bilang National Security Task Force on National and Local Elections, ay binuksan ni Gen Danao kahapon araw ng Huwebes ang National Election Monitoring and Action Center (NEMAC) at Regional Election Monitoring and Action Centers (REMACs).
Ayon kay Danao ang NEMAC at REMACs ang nagsisilbing mata at tenga ng PNP Security Task Force NLE 2022 dahil ito ang magbibigay ng report ng lahat ng insidenteng naganap na may kinalaman sa eleksyon at security activities ng pambansang pulisya.
Sinabi rin ng PNP na mayroong naka-deploy na pulis, standby forces at quick reaction teams sa command posts ng kani-kanilang headquarters.
Una ng ipinahayag nina ni Gen. Dionardo Carlos at AFP Chief of Staff Gen. Andres Centino. Na naka full alert ang kanilang buong pwersa simula pa kanina (Biyernes) ng umaga at handang-handa na ang mga sundalo at pulis sa pagbibigay seguridad sa halalan.
Sinabi pa ni Centino, naka-alerto rin ang militar sa anumang uri ng banta sa araw ng halalan at kasama rin sila sa hangarin ng iba’t ibang sektor ng gobyerno na maging maayos, malinis ang election.
Nakalatag din maging ang seguridad ng militar lalo na sa mga lugar na may mataas na banta ng mga local terrorist group.
Ipinagmamalaki rin ni Gen. Centino na sinunod ng COMELEC ang kanilang mungkahi, na pigilan ang mga kandidato na nagbigay ng pera sa mga pangingikil sa kanila lalo na ang extortion schemes ng Communist Party of the Philippines- New Peoples Army (CPP-NPA-NDF). (VICTOR BALDEMOR)














