Latest News

GEN. DANAO, NO. 4 MAN NG PNP

NUMBER 4 man na ng Philippine National Police si National Capital Region Police Director Major General Vicente Danao Jr., matapos na mapasama sa apat na opisyal na itionaas ng posisyona

Si MGen. Danao ang pinakamataas na opisyal sa Metro Manila o sa National Capital Region Police Office ay itinalagang bilang TCDS o number 4-man sa PNP command group.

Nabatid na mahigit dalwang buwan bago magretiro si Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Dionardo Carlos, ay nagpatupad ng galawan ng top hierarchy ng PNP kasama na ang command group at mismong ang pinakamataas na opisyal ng pulis sa Metro Manila .


Ito ay bunsod ng nakatakdang pagreretiro ni Lt. Gen. Joselito Vera Cruz, ang number 2-man ng PNP o deputy chief for administration ay pumalit sa kanya si Lt. Gen. Ephraim Dickson habang ang number 4-man na si Lt. Gen. Rhodel Sermonia, ang The Chief Directorial Staff ang magiging The Deputy Chief for Operations (TDCO) o ikatlo sa PNP top brass.

Si Danao na itinalaga bilang TCDS o number 4-man sa PNP command group at pinalitan naman ni Maj. Gen. Felipe Natividad na dating Special Action Force (SAF) Director.

Batay sa Special Order Number NHQ-SO-URA-2022 652 na galing sa tanggapan ni Sermonia bilang TCDS at may lagda ni Maj. Gen. Herminio Tadeo Jr.,The Director for Personnel and Records Management, epektibo ang rigodon kamakalawa Marso 1.

Samantala, si Carlos ay inaasahang magreretiro pagsapit ng kanyang ika-56 kaarawan sa darating na Mayo 8. (VICTOR BALDEMOR)


Tags:

You May Also Like

Most Read