Latest News

Gen. Cascolan inulan ng pakikiramay at pagpugay

By: Victor Baldemor Ruiz

NAGLULUKSA ngayon ang buong puwersa ng Philippine National Police (PNP) sa pagpanaw ng kanilang ika-24 hepe na si Retired Police General Camilo Pancratius P. Cascolan sa edad na 59.

Ang pagpanaw ni Cascolan ay inanunsyo ng kanyang anak sa Facebook, Nobyembre 24, alas-5:28 ng hapon.

“He peacefully left this world this afternoon, November 24, 2023 at 5:28 pm surrounded by his loving family,” saad sa post ng anak ng dating PNP chief.

Sa ilang oras kasunod ng post, dinagsa ito ng libong reaksyon ng pakikiramayat pagbibigay- pugay., kabilang dito ang Mistah ni Cascolan sa Philippine Military Academy Sinagtala Class of 1986 na si dating PNP Chief at Senator Ronald “Bato” Dela Rosa na nag-post din ng pakikiramay at pagpupugay sa dating opisyal.

Tinawag ni Bato si Cascolan na pinaka-minamahal na naging PNP chief at kahit dumanas ng hamon sa career ay lagi pa ring nakangiti.

“ To the most lovable chief, PNP that I ever knew who never forget to smile even in the most trying times of his career, very dependable and hard working, General Picoy Cascolan, I together with the millions of Filipino people whose lives you have touched will surely miss you and forever grateful for all the sacrifices that you endured in order to save and protect the Filipino people. Farewell, ang rest easy Mistah,” ayon sa post ni Dela Rosa.

Bukod kay Dela Rosa, mistah din ni Cascolan ang dalawa pang dating PNP chiefs na sina Ret. Archie Gamboa at Oscar Albayalde, pawang appointee ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Bagama’t dalawang buwan lang namuno sa PNP si Cascolan, matagumpay nitong nagampanan ang tungkulin lalo na’t kasagsagan noon ng COVID-19 pandemic kung saan frontliner ang PNP personnel.

Sa kanyang panunungkulan ay naipatupad ang programa sa health protocols sa mga kampo para proteksyonan din ang organisasyon laban sa virus.

Isa sa ginawa ni Cascolan ang pagkakaroon ng molecular laboratories ng PNP para sa RT-PCT test, pagtatayo ng quarantine facilities.

Pinalakas din ni Cascolan ang operasyon ng Area Police Command na dating tinatawag na Directorate for Integrated Operations (DIPO) na naging 3-star general ang ranggo ng magiging hepe nito.

Para maitaas ang morale ang imahen ng PNP, tinutukan din ni Cascolan ang Morale and Welfare ng mga tauhan ng organisasyon dahil naniniwala siyang kapag mataas ang morale ng isang pulis ay magiging maayos ang serbisyo nito sa publiko na kanilang mandato.

Bahagi ang Morale and Welfare ng kanyang 9-Point Agenda habang sa ilalim nito ang Localization kung saan ang mga pulis ay ia-assign malapit sa kanilang tahanan o probinsiya sa paniniwalang mas makapagsisilbi ang mga ito at iiwas sa iregularidad lalo na’t kasama ang pamilya at kaanak

Makaraang magretiro noong Nobyembre 10, 2020, naging abala si Cascolan sa pagbibigay ng tulong sa nangangailangan gaya ng relief operations at mga foundation na kanya nang ginagawa kahit nasa serbisyo pa.

Pebrero 2021 nang italaga naman ni PRRD si Cascolan bilang Undersecretary sa Office of the President at naging executive director ng Anti-Terrorism Council.

Hide original message

Oktubre 2022 nang italaga siya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang undersecretary ng Department of Health.

Tags:

You May Also Like

Most Read