GEN. BACARRO, POSIBLENG BIGYAN NG PWESTO NG MALACAÑANG

HINDI pa umano matatapos ang public service ni dating Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief-of-Staff Lt. Gen. Bartolome Bacarro.

Ito ang inihayag ni Executive Secretary Lucas Bersamin na kumakatawan kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sa ginawang change-of-command nitong nagdaang Sabado sa Kampo Aguinaldo,.

Ayon kay Sec. Bersamin, hindi niya naiisip na tapos na ang buhay ni Bacarro sa serbisyo- publiko.


Binigyang diin ni Bersamin na kanilang pinahahalagahan ang naging accomplishment ni Bacarro sa naging serbisyo nito sa bayan.

Sa tuwina ay maaalala umano ang ang naging paglilingkod ng medal of valor general at mga sakripisyo nito, alang-alang sa sambayanan.

Nitong nakalipas na linggo ay muling itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., si Lt. Gen. Andres Centino para maging 57th at 59th AFP chief of staff, na pinalitan ni Gen Bacarro noong Agosto 8, 2022 lamang. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)


Tags: Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief-of-Staff Lt. Gen. Bartolome Bacarro

You May Also Like

Most Read