GEN BACARRO, NAGSIMULA NANG KUMILOS, MARCHING ORDER NI PBBM INILATAG

NAGSIMULA nang kumilos ang bagong talagang Armed Forces of the Philippine chief of Staff General Bartolome VO Bacarro at agad na inilatag ang ibinabang marching order ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. sa ipinatawag na command conference kahapon.

Kinumpirma ito ni AFP Spokesman Col. Medel Aguinalar na nagsagawa ng command conference kahapon ng umaga na dinaluhan ng mataas na pinuno ng Hukbong Sandatahang Lakas kabilang ang mga major service commander at support units.

Target ng military na maisulong ang kapayapaan at pagkakaisa para maisakatuparan ang mga nakalatag na programa sa pagpapaunlad at pagpapalago ng ekonomiya ng Pilipinas na kabilang sa programa ng Pangulong Marcos.


Mandato ng military ang peace and order partikular ang pagsugpo sa insurgency kaya iniutos ni Gen. Bacarro na paigtingin ang military campaign laban sa nalalabing miyembro ng Communist party of the Philippines at ng armadong galamay nitong New Peoples Army.

Ayon kay Col. Medel, pinabibilisan lang ni Bacarro ang operational tempo ng kanilang ginagawang pagsugpo sa communist terrorist group subalit walang ibinabang timeline ang AFP chief.

“When we solve a multi-faceted problem like insurgency, it has to be addressed by different stakeholders and I think it was proven by NTF-ELCAC, (NATIONAL Task Force- to Local Communist Armed Conflict) ani Aguilar..wala kaming timeline but the urgency of completing the task is there, that is why ang kanyang(Bacarro) instruction is to increase yung operational tempo so that we can defeat the armed group, so kung pwede nga sana tapusin ito kaagad agad, yun ang objective but we also understand that yun nga, that insurgency is multi-faceted,” aniya.

Nabatid na may nalalabi pang 2,000 armadong NPA ang tinutugis ng military.


Tiwala si Aguilar na kung magtutuloy- tuloy ang kanilang panalo at hindi magbabago ang kanilang momentum na tinamo sa mga huling operation ay tuluyan nang mawawakasan ang problema ng CPP-NPA bago matapos ang termino ni Gen Bacarro.

Bukod sa insurgency, pinatutukan din ng heneral ang territorial defense at aniya, “it’s the president’s declaration that we will not yield a single square inch of our territory.”

Ani Aguilar, pinagtuunan din ng pansin ang territorial integrity, internal peace, humanitarian assistance at disaster response operations. (VICTOR BALDERMOR)


Tags: Armed Forces of the Philippine chief of Staff General Bartolome VO Bacarro

You May Also Like

Most Read