SUCCESSFUL ang garage sale ni Vice Ganda na nagsimula last March 27 na tumagal hanggang March 30 sa No. 33, Sct. Santiago, Diliman, Barangay Laging Handa, Quezon City.
Maging ang ibang gamit ng partner niyang si Ion Perez ay ibinenta rin dahil hindi na na niya kailangan.
Say nga ni Vice, hindi lahat ng gamit niya clothes, shoes, personal things at iba pang mga kagamitan ay used o gamit na.
Halos ang mga eto ay branded, na ang iba ay hindi pa niya nagagamit dahil nagustuhan lang niyang bilihin, gayundin daw si Ion.
A garage sale is an informal event where people sell their used or unwanted items – as they say, one man’s trash is another man’s treasure. May P50 entrance fee ang garage sale ni Meme Vice at 100 guests lang ang puwedeng i-accommodate for an hour.
“Proceeds of the garage sale will benefit Vice Ganda’s scholars,” ayon sa anunsiyo ni Meme Vice.