MULING nagkaroon ng galawan sa loob ng Philippine National Police sa hanay ng mga heneral bunsod ng pagreretiro ng isang senior police officer na lumikha ng butas para magpatupad ng panibagong balasahan sa puwesto nitong nakalipas na linggo
Sa inilbas na Special Orders na nilagdaan ni Police Maj. General Robert Rodriguez, hepe ng The Director for Personnel and Records Management,itinalaga bilang bagong hepe ng Area Police Command for Northern Luzon si MGen. Jon Arnaldo.
Ito ay kasunod ng pagreretiro ni Maj. Gen. Felipe Natividad na siyang hinalinhan ni Mgen Arnaldo bilang Acting Commander ng PNP Northern Luzon.
Mula naman sa pagiging chief ng Directorate for Comptrollership, inilipat bilang Acting Director ng PNP Finance Service si BGen. Ross Alvarado.
Hahalinhan ni Alvarado sa puwesto si BGen. Bowenn Joey Masauding na inilipat naman bilang Regional Director ng Police Regional Office 9.
Samantalang si BGen. Niel Alinsañgan ay itinalagang Acting Director for Plans.
Habang itinalaga naman Acting Director for Intelligence si BGen. Robert Alexander Morico.
Agad na ipinatupad ang reassignment ng limang Heneral kaya hindi na ito aabutan ng paiiraling election ban ng COMELEC.