Latest News

GALAWAN SA PHILIPPINE AIR FORCE DAHIL SA PAGPALIT Ni BBM NG PSG CHIEF

By: Victor Baldemor Ruiz

DAHIL sa pagapapalit ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. ng kanyang Presidential Security Group Commander ay nagkaroon ng galawan sa ilang posisyon sa Philippine Air Force.

Kahapon ay opisyal nang nanungkulan bilang bagong Commander ng 250th Presidential Airlift Wing si Col. Loreto Pasamonte na dating Deputy Wing Commander ng 300th Air Intelligence and Security Wing.

Ang change of command ceremony ay pinangunahan ni Air Mobility Commander Major General Joannis Leonardi Dimaano sa Villamor Air Base, Pasay City.


Hinalinhan ni Col. Loreto si Brig. General Aldrin Annani dahil itinalaga namang ito bilang Deputy Commander ng Air Logistics Command.

Ito’y matapos na italaga ang dating Deputy Commander ng Air Logistics Command na si Brig. General Jesus Nelson Morales, bilang bagong commander ng Presidential Security Group na responsible sa pangangalaga sa seguridad ni Pangulong Marcos at ng First family.


Ayon kay Dimaano, ang pagpapalit ng tungkulin ay pagkakataon para sa personal at propesyonal na pag-unlad na magbebenepisyo din sa buong organisasyon.


Tags: Jr., Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos

You May Also Like

Most Read