Gadon, dinisbar ng SC

By: Jantzen Tan

Nagdesisyon ang Supreme Court (SC) na i-disbar si Atty Lorenzo “Larry” Gadon matapos na pagmumurahin ang journalist na si Raissa Robles sa nag-viral sa social media na video clip.

Napag-alamang niresolba sa en banc session sa pamamagitan ng unanimous vote na 15-0 ang kapalaran ni Gadon.


“There is no room in this noble profession for misogyny and sexism . The court will never tolerate abuse, in whatever form, specially when perpetrated by an officer of the court, “ayon sa SC.

Sinabi pa ng SC na napatunayang ang video clip ay “indisputably scandalous.”

Napatunayan rin ng SC na si Gadon ay lumabag sa Canon 2 on Propriety of the Code. of Professional responsibility and accountability.



Gayundin, nabigo si Gadon na maisip na dapat, ang Isang abogado ay umiiwas sa eskandalo.

Una nang nahatulan ng SC si Gadon at sinuspinde ng tatlong buwan sa pagsasanay ng kanyang propesyon at binalaan din na kapag muli niyang inulit ang pagkakamali ay. papatawan siya ng mas mabigat na parusa.


Npag-aalaman na may anim pang kasong administratibo ang nakabinbin laban kay Gadon sa Office of the Bar Confidant at apat sa Commission on Bar Discipline ng Integrated Bar of the Philippines.

Ayon sa SC, sa kabila nang wala pang desisyon kaugnay sa mga kaso ni Gadon ay nakikilala ang kanyang tunay na pag-uugali sa dami ng kasong isinampa laban sa kanya.



Sinabi rin ng SC sa naturang desisyon na nai-cite for contempt si Gadon dahil sa walang basehan na alegasyon na ‘impartiality’ at bias laban kina Senior Associate Justice Marvic MVF Leonen at Associate Justice Benjamin Caguioa.

Tags: Atty Lorenzo "Larry" Gadon

You May Also Like