Latest News

GABBI GARCIA NAG-ENJOY SA BUSINESS CLASS HABANG NASA ECONOMY CLASS ANG BOYFRIEND

By: Beth Gelena

Ipinakita ni Gabbi Garcia ang bonggang perks kapag anak ka ng flight purser.

Sa isang video kasama ni Gabbi ang boyfriend na si Khalil Ramos habang pini-flex ang nice perks at ini-enjoy ang pagiging isang anak ng flight purser.

Ang ina ng Kapuso aktres na si Tes Lopez, ay isa sa mga flight pursers ng Philippine Airlines.

Makikita sa video na tinutukso niya ang actor habang siya ay pumapasok sa VIP lounge.

Tinitingnan lang naman siya ni Khalil na namamalik mata.

May eksena pang Gabbi enjoying many other perks while Khalil had to be content with what came with the ticket he bought.

Ani Gabbi: “Yung anak ka ng flight purser kaya libre ka sa flights”

“ps – tysm mom for ur perks @lopeztes.”

Naawa naman ang netizens sa naging kalagayan ng boyfriend ni Gabbi dahil buma-bye pa siya sa boyfriend bago pumasok sa VIP Lounge.

Komento ng netizen: ” Yung pagkakaupo nj Khalil super maka-ecomomy.”

“grabe literal na living in a material world.”

Natawa naman ang comment ni Yassi Pressman: “Hahaha ANG CUTE”

Say naman si Ryan Agoncillo: “Hey that’s my thesis mate @pepperooo”

“Naawa ako kay @khalilramos bwahahaha see you later nalang daw sa immigration”

Sey naman ng isang netizen: “Dapat nagdagdag na lang ng bayad si Khalil para business class na din sya. I know may buddypass na puwede sa friends ang PAL so upgrade na lang siya”

Tuloy may nagkomento: “Kung maghihiwalay ang dalawang ito, tiyak ito ang magiging dahilan”

Well, wala naman sigurong ganyan.

Matagal na ang celebrity couple at lagi silang nagbabiyaheng sila lang talagang dalawa.

Kaya sanay na rin si Khalil sa VIP treatment ng mga staff sa aktres.

Besides, hindi gagawin ni Gabbi na pagmukhain kawawa ang boyfriend, eh mahal na mahal niya ang aktor.

Tags:

You May Also Like

Most Read