Funeral mass sa mga nasawi sa motorbanca “Aya Express” pangungunahan ni Antipolo Bishop Ruperto Santos

By: Philip Reyes

Pangungunahan ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang isasagawang funeral mass para sa 27 nasawi sa lumubog na motorbanca “Aya Express” noong Hulyo 27 sa Binangonan, Rizal.

Nabatid na bibisitahin ng Obispo ang Talim Island kasunod ng insidente ng paglubog ng bangka sa bahagi ng Laguna de Bay sa Binangonan, Rizal.

“Once the Coast Guards allow’s the travel, we will set funeral mass, and I will go there. As of now, we pray and offering our Holy Masses for eternal respose of those who perished and implore our God for His grace and strength to all the bereaving families,” ani Bishop Santos.


Ayon pa sa Obispo, labis siyang nalungkot sa sinapit ng mga nasawi na patungo sa Talim Island noong maganap ang trahedya.

Nakikipag-ugnayan na rin ang Antipolo Social Action Commission (SAC) sa pangunguna nina SAC director Fr. Bien Miguel, Jr. at Assistant SAC director Fr. Alex Miday upang agad na matulungan ang mga biktima at naiwang pamilya.

Napag-alaman na kasama sa mga nasawi ang limang parish workers at isang guro ng Our Lady of Peace School sa Antipolo.

Sa huling ulat ng Binangonan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, nasa 27-katao na ang kumpirmadong nasawi, habang 40 naman ang nakaligtas.


Kaugnay nito, Ipinag-utos naman ni Bishop Santos sa buong diyosesis ang mission appeal sa pamamagitan ng ‘special collection’ sa mga misa ngayong Linggo na ilalaan bilang tulong sa mga biktima ng insidente.

Tags: Antipolo Bishop Ruperto Santos

You May Also Like

Most Read