FRENCH, CANADIAN AT PINOY ARESTADO SA SINALAKAY NA DRUG LAB; P149.6 MILLION SHABU, NAKUMPISKA

SINALAKAY ng Philippine Drug Enforcement Agency sa isang joint anti-illegal drug operation ang isang drug laboratory, katuwang ang military at pulis, na nag-resulta sa pagkakadakip sa isang Canadian, isang French national at isang kasabwat na Pilipino kahapon sa isang posh residential area sa Ayala, Alabang Village sa Muntinlupa City.

Itinatayang nasa 22 kilograms ng methamphetamine hydrochloride o shabu na may street value na aabot sa ?149.6 million ang nakumpiska ng a multi-agency law enforcers kahapon ng madaling araw sa nasabing upscale neighborhood sa Ayala-Alabang Village.


“This group used a modified setup for manufacturing shabu. The shabu is mixed in liquid form, then washed with acetone. It’s practically an odorless process, which is probably why they were confident in doing it here in a residential area”, pahayag ni Asec Gregorio R. Pimentel, PDEA Officer-in-Charge na nanguna sa operation.

Armado ng dalawang search warrant, sinalakay ng PDEA Intelligence Service, PDEA RO-NCR Southern District, PDEA Regional Special Enforcement Teams 1 & 2, PDEA SIU, PDEA Special Enforcement Service, Bureau of Customs (BOC) CAIDTF, BOC-CIIS MCP, Armed Forces of the Philippines, Philippine Navy at National Intelligence Coordinating Agency, katulong ang Philippine National Police SPD DID, SPD DDEU, at Muntinlupa CPS, ang nasabing shabu laboratory.

Target ng mga awtoridad ang bahay sa No. 304 Mabolo Street sa Ayala-Alabang Village at sa No. 523 Madrigal Avenue Ayala Alabang.


Nakatago sa loob ng bahay sa No. 304 Mabolo Street ang iba’t- ibang laboratory equipment, mga CPECs o chemicals una ginagamit sa paggawa ng illegal drugs gaya ng shabu at ang 20 kilograms ng methamphetamine hydrochloride o shabu .

Dalawang tao ang dinakip sa target address na kinilalang sina Aurelien Cythere, 41-year-old Frenchman at Mark Anthony Sarayot y Ravelo, 42-anyos na Filipino businessman na naninirahan sa 23 Cabbage Street, Valle Verde 5 sa Barangay Ugong, Pasig City.


Sa pangalawang target na bahay na nasa 523 Madrigal Avenue Ayala Alabang ay nakakuha ang mga awtoridad ng dalawang kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P13,600,000 at sari-saring laboratory equipment, identification cards at limang mobile phones.

Dinakip din ang isang Ariana Golesorkhi, alias ‘Kano’, 33- anyos na male Canadian na ipinanganak sa Iran at may- ari ng isang beauty parlor.


“These suspects are linked to Mexican, Australian and Canadian drug trafficking groups. We are currently investigating these links and several other drug personalities,” dagdag pa ni ASEC Pimentel.

Nahaharap ang mga nadakip sa paglabag sa Sections 8, 11, and 12 of Article II, Republic Act 9165 o the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)



Tags: Philippine Drug Enforcement Agency

You May Also Like