Latest News

Freelance rider, pinahuli ng ex-lover

Arestado ang isang freelance rider matapos ireklamo ng kanyang ex-lover ng pamba-blackmail na ikakalat ang mga hubad na larawan sa social media kung hindi makikipagkita sa kanya,kamakalawa ng umaga sa panulukan ng Claro M Recto at Dagupan St.sa Tondo,Maynila.

Dinampot ng pinagsanib na puwersa ng Manila Police District – Police Station 2 , at Manila District Cybercrime Team na pinangunahan ni P/ Major Reynaldo Salim ang suspek na nakilalang si Ryan Labastida ng B5 Sawata Area 2 Dagat Dagatan, Caloocan City.

Nabatid kay Salim, alas.10 ng umaga , nang isagawa nila ang entrapment operation sa naturang lugar.


Ang pagkaaresto ni Labastida ay dahil reklamo ng isang 25 anyos na gown designer na hindi na pinangalalan dahik sa may asawa pero taga Tondo.

Sa reklamo ng biktima, pilit umano siyang sinasabihan ng suspek na makipagkita at nais umano nitong ibalik ang kanilang nakaraan

Tumanggi umano ang ginang at sinabi nito na gusto na niyang wakasan ang kanilang dating relasyon

Sa puntong ito, nagbanta ang suspek na ikakalat ang mga hubad nitong larawan sa social Media.


Lingid sa suspek nagreklamo ito sa pulisya at kaagad naman bumuo ngbteam si Salim at isinagawa ang entrapment operation.

Sinampahan ng mga kasong Grave Coercion (Article 286) ng Revised Penal Code violation of Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009 (RA 9995), Anti-Violence against Women and Their Children Act of 2004 (RA 9262), at Safe Spaces Act (RA 11313) na pawang may kaugnayan Section 6 ng R.A 10175 otherwise known as “Cybercrime Prevention Act of 2012” ang suspek sa Manila Prosecutors Office. (Anthony Quindoy)

Tags: at Manila District Cybercrime Team, Manila Police District-Police Station 2

You May Also Like

Most Read