Latest News

Free ride, kaloob ng MRT-3 para sa mga kabataan ngayong National Children’s Month

By: Baby Cuevas

Pagkakalooban ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ng ‘free ride’ ang mga kabataan ngayong Lunes, Nobyembre 6, bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Children’s Month.

Sa inilabas na abiso ng MRT-3 kahapon, nabatid na ang mga kabataang may edad na mas mababa sa 18-anyos ay maaaring makasakay nang libre sa kanilang mga train tuwing peak hours ng linya o mula 7:00 a.m. hanggang 9:00 a.m. at mula 5:00 p.m. hanggang 7:00 p.m.


Ayon sa MRT-3, kabilang sa makikinabang sa libreng sakay ang mga estudyanteng nasa kinder, elementarya, hanggang senior high school, na balik-eskwela na matapos ang long weekend.

Anang MRT-3, kinakailangan lamang ng mga ito na magpakita ng valid school ID sa mga security personnel sa istasyon upang makapag-avail ng libreng sakay.

Nabatid na ang libreng sakay ay tugon ng MRT-3 sa kahilingan ng National Council for the Welfare of Children (CWC) para sa espesyal na okasyon at bilang pagpupugay na rin ng linya sa kabataang Pilipino.


Ang MRT-3 na bumabaybay sa kahabaan ng EDSA, ay siyang nag-uugnay sa North Avenue, Quezon City at Taft Avenue, Pasay City.


Tags: Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3)

You May Also Like