Latest News

Former US President Biden, may prostate cancer

Si dating US President Joe Biden ay na-diagnose na may “agresibong” prostate cancer na kumalat na sa kanyang mga buto.

Sa pahayag na inilabas ng tanggapan ni dating Pres. Biden noong Lunes, sinabi na: “Last week, President Joe Biden was seen for a new finding of a prostate nodule after experiencing increasing urinary symptoms.”


Ang sakit ni Biden ay nakumpirma noong Biyernes at nailalarawan na “Gleason score of 9 with metastasis to the bone.”

“While this represents a more aggressive form of the disease, the cancer appears to be hormone-sensitive, which allows for effective management,” dagdag pa ng tanggapan ni Biden.

Ang 82-anyos na dating pangulo at ang kanyang pamilya ay kasalukuyang sinusuri ang mga medical option sa tulong ng kanilang medical team.


Si Biden ay naglingkod bilang pangulo ng US mula 2021 hanggang 2025.


Tags: US President Joe Biden

You May Also Like