Latest News

Former lawmaker Vigor Mendoza II, itinalagang LTO Chief

Ni MARK ALFONSO

ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., si dating Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) board member Vigor Mendoza II bilang bagong pinuno ng Land Transportation Office (LTO).

Ito ang inanunsiyo kahapon ng Presidential Communications Office (PCO).
Pinalitan ni Mendoza si dating LTO chief Jay Art Tugade, na nagbitiw noong Mayo dahil sa “differing methods” sa Department of Transportation.

Si Mendoza ay dating kinatawan ng 1-United Transport Alliance Koalisyon (1-UTAK) partylist.
Nabatid na nagtapos sa Ateneo de Manila University, si Mendoza at naging board member din ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Tags:

You May Also Like

Most Read