Latest News

FOOD SECURITY AT GIYERA KONTRA CLIMATE CHANGE SUPORTADO NG DND

By: Victor Baldemor Ruiz

IPINAKITA ni Defense Secretary Gilberto Gibo Teodoro Jr., na suportado ng Department of National Defense ang anumang programa ng gobyerno sa pagbaka sa malalang epekto ng climate change at pagsusulong ng food security sa kanayunan man o sa kalunsuran.

Bilang pagpapakita ng Kalihim sa kanyang suporta sa mga pagsisikap sa nasabing adhikain ay nagsagawa kamakailan ng espesyal na pagbisita si SND sa Philippine Army Armor Division (AD) sa Capas, Tarlac .

Dito ipinakita ni Sec Teodoro ang kanyang suporta sa Philippine Army na pinamumunuan ni Lt Gen Romeo Brawner sa paglaban sa epekto ng pagbabago ng klima at pagtiyak ng sapat na pagkain.


Ang Kalihim ng Tanggulang Pambansang ay bukas-palad na nagbahagi ng kanyang mahahalagang insight at kadalubhasaan, na nag-aambag sa patuloy na pagsisikap na tugunan ang climate change at itaguyod ang food security sa hanay ng Hukbong Katihan na may malawak na lupain.

Itinampok sa pagbisita ang partisipasyon ni Teodoro sa pag-aani ng “kangkong” (water spinach) kasama si PA commanding general Lt. Gen. Romeo S Brawner Jr.; Maj. Gen. Facundo O. Palafox IV, AD commander; Ang mga Co-Founders ng Tarlac Heritage Foundation na sina Isabel at Isa Cojuangco Suntay; Tony Cortes ng Corvill Agricom Inc.; Mga tauhan mula sa Office of Civil Military Operations (G7) ng PA na si Col. Bingbong Arbolado, Lt. Col. Erasto Gallardo; at Maj. Nilbert Dagpin; AD chief of staff Col Charlemagne Batayola; Lt. Col. Cresencio Sanchez Jr, Information Officer, Lt. Col. Reynaldo Mina, commander ng Armor School AD; Lt. Col. Ferdinand de la Cruz ng G7 AD; Lt. Col. Romeo Gabor, Deputy G7 AD; at Maj Noel Paspasan.


Tags: Defense Secretary Gilberto Gibo Teodoro Jr.

You May Also Like

Most Read