Latest News

Folk singer Coritha, pumanaw na

PUMANAW na ang OPM singer na si Coritha, na nakilala sa kanyang hit songs na “Oras Na,” “Lolo Jose,” at “Sierra Madre,” matapos ang mahabang pakikipaglaban sa kanyang sakit.

Ito ay kinumpirma last Friday ng partner ni Coritha na si Chito Santos sa interview sa kanya ng broadcaster na si Julius Babao sa YouTube vlog nito.

Ani Santos: “Ilang araw namin siyang binabantayan hanggang sa manghina na siya nang manghina. Ayoko namang magtagal pa dahil lalo lang siyang mahihirapan.”


Sinabi ni Santos na ipapa-cremate ang mga labi ng singer.

Sinabi pa ng kapatid ni Santos, na isang doktor at nag-aalaga din kay Coritha, na plano nilang magkaroon ng “one day, one night viewing” sa tirahan ng mag-asawa sa Tagaytay na kanilang ia-announce sa susunod na mga araw.

Sina Coritha at Chito ay lumipat sa Tagaytay mula ng masunog ang bahay ng singer sa Quezon City noong 2018.

Ang hit song niyang “Oras Na” ay naging popular na protest song of 1970s.


Tags: Coritha

You May Also Like

Most Read