Inanunsyo ng Civil Aviation Authority of the Philippines CAAP na suspindido ang flight operation sa Lingayen Airport dulot ng nagpapatuloy na buhos ng ulan dala ng bagyong ‘Enteng’.
Ayon sa CAAP, dalawang flights naman ang kanselado na patungong San Jose Airport kung saan apektado ang 51 papaalis na pasahero at 53 arriving passengers.
Sampung flights naman ang kanselado mula at patungo ng Bicol International Airport.
Dalawang flight din ang kanselado sa Masbate airport at dalawa naman sa Virac Airport.
Samantala, kinumpima ng CAAP na sa ngayon ay wala pa naman pinsala ang mga paliparan ng Bicol international Airport Naga, Virac, Masbate, Daet at Bulan airport, dulot ng malakas na hangin at ulang dala ng bagyo.














