Latest News

FIVE MINUTES TO THREE MINUTES ‘RESPONSE TIME’ NG PULIS, IPINANGAKO NI TORRE

By: Victor Baldemor Ruiz

“‘Wag n’yo nang hanapin ang mga pulis sa mga presinto, sapagkat kami’y nasa inyo nang mga telepono.”

Ito ang seryosong pahayag ng bagong-hirang na Philippine National Police Chief na si General Nicolas Torre III, nang itakda niya ang target na five minutes emergency response time bilang panimula sa Metro Manila.


Paliwanag ni General Torre, sa simula lamang ito at ang five minutes aim ng PNP ay napagpasyahan base sa seven minutes response target na itinakda ng kapulisan at sa naunang three-minute response plan na nabanggit ng heneral sa kanyang assumption speech.

Magugunitang kinokonsidera din ng heneral ang deactivation ng mga police boxes at police community precincts at sa halip ay imo-mobilisa ang mga police officer gamit ang mga patrol cars .

Ayon kay Torre, mas gusto niya ang mas maraming pulis na naglalakad sa mga lansangan sa kanilang beat o nagpapatrulya sa labas kaysa sa mga pulis na nasa loob ng mga opisina .


Ipinangako niya sa publiko na tiyak na reresponde ang mga pulis sa 911 calls sa Metro Manila sa loob ng limang minuto.

Target din umano niya na ibaba ito sa three minutes response time gaya ng nauna niyang target matapos ang tatlong buwan.


Tags: Philippine National Police Chief na si General Nicolas Torre III

You May Also Like