NASABAK ang mga tauhan Philippine Navy at nasubok ang firepower ng BRP Antonio Luna (FF 151) nang makipagsabayan sila sa ginanap na serye ng live fire events sa nagaganap ngayong Rim of the Pacific (RIMPAC) exercise sa Hawaii.
Sa ginanap na Gunnery Exercise (GUNNEX), tinesting ng BRP FF151 ang accuracy ng kanilang main guns other batteries kabilang ang 76MM Super Rapid Gun, 30MM Smash Aselsan, at Caliber 50 Machine Gun, pakay ang mga hammer-head targets na itinanim ng Royal Canadian Navy Halifax-class frigate HMCS Winnipeg .
Samantala, habang ginagawa ang Naval Surface Fire Support (NSFS) Rodeo exercise, ang 76MM Super Rapid Gun ay muling sinubukan targeting 2D virtual land information.
Sa ipinarating na impormasyon sa Philippine Navy Headquarters ang BRP Antonio Luna at iba pang mga kasaling barkong pandigma ay binigyan ng practice run para sa gunfire corrections bago magpatuloy sa record firing.
Ayon kay Navy Public Affairs Office Director CDR Benjo F Negranza PN(GSC) chief, ang RIMPAC 2022 ay makakatulong ng malaki para masukat ang kapasidad ng Philippine Navy sa overseas operations overseas. (VICTOR BALDEMOR)