SUGATAN ang dalawang katao kabilang ang isang fire volunteer at isang lalaking tumutulong sa pag-apula ng sunog sa naganap na sunog,kahapon ng umaga sa Baseco,Port Area,Maynila.
Kinilala ang nasugatan na si FO1 Adrian Gabriel Jose na nagtamo ng paso at sugat.
Habang pinalo naman nv matigas na bagay at sinaksak pa sa likuran si Elvis Tanio,17 at nahulog pa sa bubungan at kapwa binigyan ng tulong ng Philippine Red Cross volunteer.
Nawala naman ang motorsiklong N-Max ng fire volunteer na si Mar Flordeliza matapos itong iparada ilang minuto di.kalayuan sa sunog.
May tatlong lalaki rin ang inaresto ng mga barangay tanod matapos ireklamo ng pagnanakaw sa kasagsagan ng sunog.
Sa inisyal na ulat ng Manila Bureau of Fire Protection(BFP) ,nagsimula ang sunog alas.8:36 ng umaga sa isang kabahayan sa Blk.5 extension,Baseco Compound kung saan umabot ng ikalawang alarma at idineklarang fire out alas.10:57 ng umaga.
Nabatid na may 50 bahay ang nadamay na masunog o 100 pamilya.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng Arson Division sa sanhi ng sunog.
Nalaman na nahirapan rin ang mga bumbero na patayin ang sunog dahil sa kawalan ng fire hydrant. (Carl Angelo)