FIRE VOLUNTEER, NAKURYENTE SA SUNOG SA TONDO

By: Baby Cuevas

Masuwerteng nakaligtas ang isang fire volunteer na nakuryente habang tumutulong sa pagpatay ng apoy sa isang sunog na tumupok ng 10 kabahayan sa isang residential area sa Capulong Road,Tondo, Maynila.

Ayon sa inisyal na ulat mula sa Manila Bureau of Fire Protection (BFP), nasa maayos nang kondisyon ang nakuryenteng fire volunteer na hindi na pinangalanan pa.


Nagsimula umano ang sunog sa bahay ng isang kinilalang si Ronualdo Oligario, sa No. 97-C 1527 street, C2 Capulong Road Brgy 108, Tondo Maynila, alas-10:38 Huwebes ng umaga.

Sa kasagsagan nito ay nakarinig rin ng mga putok ng bala sa mga nadamay na bahay.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog na idineklarang ‘ire out’ alas 12:06 ng tanghali.


Itinataya ng BFP na nasa P300,000 ang halaga ng napinsalang ari-arian habang patuloy na inaalam ng arson divisiom ang sanhi ng sunog.


Tags: Manila Bureau of Fire Protection.(BFP)

You May Also Like