Latest News

Fire volunteer at 3-taong gulang na bata, sugatan sa sunog sa Parola

Sugatan ang dalawang katao, na kinabibilangan ng isang fire volunteer at isang 3-taong gulang na batang babae, sa isang sunog na sumiklab sa Binondo, Maynila nitong Lunes ng madaling araw.

Si Leopoldo Sasalo Jr., 28, fire volunteer, ay nagtamo ng hiwa sa kaliwang kamay habang ang batang si Michaela de Duzman ay nakagat naman ng aso sa kasagsagan ng sunog.

Ayon sa ulat ng Manila Bureau of Fire Protection, dakong alas-4:30 ng madaling araw nang magsimulang sumiklab ang apoy sa Gate 62, Parola Compound, Brgy 275, Binondo, Maynila.


Mabilis na kumalat ang apoy sa may 30 pang kabahayan na pawang gawa sa mga light materials lamang at umabot ang sunog sa ikatlong alarma bago tuluyang naideklarang fireout dakong alas -6:58 ng umaga.

Walang iniulat na nasawi sa insidente, na masusi nang iniimbestigahan ng mga awtoridad kung ano ang sanhi. (Philip Reyes)


Tags: Manila Bureau of Fire Protection

You May Also Like

Most Read