FIRE PREVENTION MONTH, NATIONAL WOMEN’S MONTH AT RABIES AWARENESS MONTH, SABAY-SABAY SA MAYNILA

By: Jerry S. Tan

Sabay-sabay na inoobserbahan ngayon sa lungsod ng Maynila ang tatlong mahalagang okasyon.
Ito ay kinabibilangan ng Fire Prevention Month, National Women’s Month at Raabies Awareness Month, na pawang mahalaga para kay  Mayor Honey Lacuna.
Kaugnay ng mga okasyong ito ay nananawagan si Mayor Honey sa mga taga-Maynila na magkaroon ng sapat na kamalayan ukol sa mga dapat na gawin upang makaiwas sa mga sunog.
Pinuri niya ang Manila Fire Department (MFD)  sa pangunguna ng hepe nitong si Supt. Christine Doctor-Cula at pinasalamatan bilang mga katuwang sa pagtulong sa lungsod tuwing may insidente ng sunog.
Partikular din na pinuri  ng alkalde ang mga miyembro ng Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) sa pamumuno ni director Arnel Angeles  pati na ang iba’t-ibang grupo ng fire volunteers na katuwang ng MFD sa tuwing may insidente ng sunog sa lungsod.
Ayon kay Lacuna, ang MFD, MDRRMO at fire volunteers ay di lamang nagsisilbi kapag may sunog kundi maging sa tuwing may kalamidad rin o iba pang emegency situations tulad ng road accidents.
Kasabay niyan ay itinatampok din niya ang pagkakaroon ng pantay-pantay na trato at oportunidad para sa mga kababaihan sa lungsod, sa loob man o labas ng Manila City Hall.
Pinuri niya ang mga babaeng opisyal ng lungsod, pati na ang mga kawani na nagpapakita ng kagalingan sa mga hawak nilang puwesto.
Samantala ay nananawagan din siya sa mga may alagang aso at pusa na samantalahin ang mga libreng bakuna laban sa rabies na ibinibigay ng pamahalaang-lungsod sa pamamagitan ng Manila Veterinary Inspection Board na pinamumunuan ni Nicanor Santos at ng Manila Health Department sa pamumuno ni Dr. Arnold ‘Poks’ Pangan.
Available ang mga libreng bakuna para sa mga aso at pusa sa Manila City Hall, health centers at maging sa lingguhang  ‘Kalinga sa Maynila’  na isinasagawa mismo ng alkalde sa iba’t-ibang barangay sa Maynila.
Sinabi ni Pangan na  ang lungsod ay may walong uri ng  animal bite treatment na nagbibigay ng libreng gamutan sa animal bite clinic ng lungsod na matatagpuan sa Sta. Ana Hospital sa ilalim ni Director Dr. Grace Padilla  at pati na sa pitong  health centers.
* * *
Maaaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon.
Tags: double tap, jerry s. tan

You May Also Like