Latest News

Financial advisor at kasama nito, timbog sa P176K halaga ng ‘shabu’

DINAKIP ng awtoridad ang isang babaeng financial advisor at kasama nito matapos masamsaman ng P176,800 halaga ng umano’y shabu, sa ikinasang buy-bust operation sa Makati City, nitong Abril 1.

Kinilala ni Southern Police District (SPD) Director,Brigadier General Jimili Macaraeg ang mga suspek na sina Anna Capuyon, alyas Bebe,39, isang Financial Advisor, taga-Makati City at Monaida Kulaw, alyas Anding, 21, residente sa Taguig City.

Base sa ulat, nagsagawa ng buy-operation ang mga tauhan ng SDEU at Olympia Sub-Station (SS1) sa No. 1805 Concepcion St., Barangay Valenzuela, Makati City, dakong 8:00 ng gabi nitong Biyernes na nagresulta ng pagkakaaresto nina Capuyon at Kulaw.


Nasamsam sa mga suspek ang 26 gramo ng naturang ilegal na droga at marked money.

Nakakulong ang dalawang suspek sa Custodial Facility ng Makati City Police Station at nakatakdang sampahan ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

“I want to congratulate the Makati City Police for a job well done, ito ay patunay na talagang pinagbubuti ng ating kapulisan ang pagkuha ng impormasyon tungkol sa mga patuloy na nagbebenta at gumagamit ng illegal na droga sa ating nasasakupan, sa ating mga kababayan umaasa ako na patuloy ang inyong pakikiisa upang labanan ang salot na illegal na droga dito sa ating nasasakupan,” pahayag ni BGen Macaraeg.

 


Tags:

You May Also Like

Most Read