Latest News

FINAL WALKTHROUGH SA TRASLACION 2025, ISINAGAWA NG MPD

By: Baby Cuevas

ISINAGAWA ng Manila Police District (MPD) at iba pang concerned groups ang “final walkthrough” para sa mga paghahanda sa seguridad ng 2025 Traslacion sa Pista ng Itim na Poong Nazareno na nakatakdang ganapin sa Enero 9, 2025.

Kaugnay nito,sinabi ni MPD Director PBGen Thomas Ibay Ina may 14,000 pulis ang itatalaga sa Traslacion.


Ang final walkthrough ay pinangunahan ni Ibay, kasama ang mga kinatawan Ng Bureau of Fire Protection (BFP), Metro Manila Development Authority (MMDA), Department of Public Works and Highway (DPWH), medical leaders,Manila City Engineering, Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) at mga miyembro ng Hijos Nazareno.

Ani Ibay, layunin ng walkthrough na matiyak na malinis sa lahat ng obstruction at magiging maayos ang lalakaran ng mga deboto na sasama sa Traslacion.

Kabilang sa mga obstruction ang mga overturned concrete barriers, collapsed fencing construction at mga nakalaylay na electrical wires.


“Meron kasing mga nakalagay doon na nage-extend sa daan na yero at alam naman natin dito sa masisikip na daan, kailangan natin na walang harang kasi makakadisrasya ‘to sa mga deboto natin na sasali dito sa pista ng Nazareno,” ayon kay Ibay.

Sinabi naman ni City Engineer Moises Alcantara na bibigyan nila ng notice ang mga construction projects na linisin nila sa obstruction ang ginagawang construction.


“We’re also conducting trimming operations to ensure that ‘yung mga falling hazards natin sa mga puno is ma-remove kasi alam natin na madadagsa ‘yung area natin dito sa Quiapo,” dagdag pa ni Alcantara.


Tags: Manila Police District (MPD)

You May Also Like